Hindi ako yung lumapit. Ikaw yung pumasok sa buhay ko.

Madami talagang ganun na pangyayari. Yung isang araw bigla na lang magugulo ang ayos ng buhay mo. May kusang dumating, pero umalis sya ng walang paalam, ng ganun ganun na lang.  Walang namilit. Kusa syang dumating, kusa syang pumasok sa buhay nya. Bigla na lang syang dumating at binago ang lahat. Pinaramdam nya sa kanya ang mga bagay na hindi pa nya nararamdaman dati, ginawa ang mga bagay na kahit kailan hindi pa nya naeeexperience. Binuksan nya ang puso nya sa taong ito na pinapasaya sya.

Pero isang araw bigla na lang magbabago ang lahat. Sa hindi malaman na rason, nag iba na. Ang unfair unfair. Hindi naman sya yung lumapit, ikaw yung pumasok sa buhay nya. Hinayaan mo syang mahulog sya tapos iiwan mo lang sa ere. The common scenario. Pagkatapos ng lahat, mawawala na lang bigla na parang bula. Wala man lang maayos na rason o paliwanag. Anu yun ganun ganun na lang yun, ganun lang kadali? Parang laro lang ang lahat sa kanya. Parang isang taling napakadaling bitawan para sa kanya.

Kung wala ka namang planong pahalagahan yung tao, dapat di mo na lang sya ginulo. Kung mang iiwan ka lang din naman dapat, hindi ka na lang dumating. Dapat lumayo at umiwas ka na lang. Una pa lang hindi mo na dapat pinasok ang buhay nya. Kung hindi ka lang din naman magtatagal at mananatili, edi wag na lang. Wag mo na lang umpisahan. Matuto kang dumistansya.

(Source: feelingeramuchlang)

  1. feelingeramuchlang posted this