Posts tagged "FATS"

Hindi ka inlove, inFATS ka lang.

FATS = inFATuation. Infatuated ka lang.

Ang infatuation ay pina level up o pinalalim na term sa “crush”. Ito yung stage na naattract tayo, kinikilig, hanggang sa nagdadaydream na, inistalk mo na yung fb nya, todo imagine ka, todo isip sa kanya. Oo gusto mo sya, masaya ka sa tuwing nandyan sya. May ginugusto kang makita sa pagpasok mo. Masarap yung ganitong feeling yung out of nowhere bigla kang nainspired dahil dyan sa crush mo. 

Pero ang infatuation ay sinasabi din na ito ay nararamdaman ng isang taong atat makaramdam ng pagmamahal. Gustong magmahal o magmahal muli. Ayos lang naman mainfatuate sa isang tao. Wala namang masama sa infatuation, as long as alam mo yun lang yun. As long sa wala syang nagagawang mali sa taong gusto nya.

Siguro Nagiging problema lang ito ay kapag inakala mo na ang infatuation ay love. Kasi magkaiba yun. Pagnadala ka na nang nararamdaman mo at hindi mo nagawang timbangin ito. Kasi ang infatuation kung gaano kabilis nag umpisa, mabilis lang din matatapos. Ang pagkakaroon ng crush sa isang tao ay hindi kapareho sinasabing “falling inlove” sa taong yun. Kasi minsan kahit crush mo lang yung isang tao, sinasabi na agad na inlove ka na. Kinilig lang ng konti, inlove na agad. Kahit ilang araw pa lang naman. Sa umpisa feel na feel mo yung pagkagusto mo dun sa tao, todo pakita ka. Pero sabi nga mabilis matapos ang infatuation. Sa paglipas ng panahon, ilang linggo o ilang buwan magbabago yun. Bigla na lang mawawala. Ganun ang infatuation, nalipas.

Infatuation starts and ends fast. It happens in an instant. 

Hindi ito nagiging maganda pagnakasakit ka na. Malalaman mo na hindi pala love yung nararamdaman mo pag nagbago o nawala yung feeling mo sa kanya. Yung parang feeling mo may mali. Pag may nakita ka sa kanyang mali o ginawa nyang hindi mo nagustuhan. Doon na magsisimula. Parang aayawan mo na sya. Yun yung masakit na part doon  sa taong pinakitaan mo, nang inakala mong love. That’s the hard part.

Pero parte talaga yun ng buhay, nangyayari talaga yun. para sa susunod alam mo na. Hindi ka na magkakamali. Dito mo talaga malalaman kung ano ba talaga ang love. Para naman sa susunod hindi ka na maging padalos dalos.