Posts tagged "HAHAHA"

Be happy. Be who you wanna be. :)

Siguro kung private itong blog ko o yung hindi madami ang nakakaalam na tao sa paligid ko ng tumblr ko mas madami akong mapopost na personal, yung mga saloobin ko o kung anuman ang nararamdam ko. Kung anu-ano nasa siguro ang mga pinagpopost ko dito. Kung anuman maisip ko siguro post agad. Yung go lang ng go. Kaso nga lang hindi ganun. Limitado ng naipopost ko. Ewan, wala. Ganun eh. Yung may ipopost ako, kaso maiisip ko na wag na lang. Kasi ako ng yung tipo ng tao na niisip ko muna kung ano yung iisipin nila o rereact nila, parang ganun. HIndi ko sinasabi ang kahat. Kahit madami akong gustong ipost at ikwento, wala eh. Hindi ko na lang tinutuloy. Kahit blog ko naman to, ganun lang talaga ako mag-isip. Laging limited, laging nagheheld back.

(Source: feelingeramuchlang)

Ingat ingat din sa magiging expression at reaction mo.

Hindi mo alam may nagbabantay at nakatingin na pala sa magiging reaction at expression mo. Yung akala mo walang sa kanila, yun pala bantay bantay ka na. Parang hinuhuli ka. Yung feeling na parang binabasa ka nya. Gusto makita kung ano ba yung irereact mo sa narinig mo o nangyayari. Pero may tao talagang magaling bumasa ng iniisip mo o malaman kung ano ba yung tumatakbo sa isip mo lalo na kung kilala ka talaga nya. Yung alam nya kung paano ka mag isip.

(Source: feelingeramuchlang)

Ayoko talaga ng biglaan. Hindi kasi ako makapag prepare, hindi ko agad alam ang irereact ko. Feeling ko masyado tuloy akong nagiging obvious. Halimbawa na lang pag may nakitang pogi o nakita yung crush ko, yung hindi ko talaga inieexpect na makikita ko. Tapos boom yun nandyan pala. Hindi ko mapigilan yung ngiti ko minsan pag ganun, lalo na pag may kasama ako. *kilig. Iiwas na lang ng tingin, hinga ng malalim. KALMAAA. :) O kaya naman yung may biglaan sasabihin sayo, parang nakakablangko. Parang hindi ko alam ang gagawin at sasabihin ko.

(Source: feelingeramuchlang)

"Ayan tayo sa akala eh. Alam mo bang hindi ka dapat nagtitiwala sa AKALA, maraming namamatay dyan."
—   marckbolero

(Source: feelingeramuchlang)