Mas masarap sa feeling na ikaw yung minamahal.
Kesa sa taong nagmamahal. Kasi yung mga nagmamahal pwedeng binabalewala lang sila, hindi sila napapahalagahan, sila din yung naghihintay na sana mahalin na din sila ng taong mahal nila. Sila yung nakakaramdam ng sakit pag nababalewala, nareject, may mahal na iba yung gusto nila at iba pa.
Kesa pag ikaw yung minamahal. Ang sarap sa feeling na alam mong may nagmamahal sayo. Na hindi ikaw yung naghihintay na mahalin. Na ikaw yung:
- Binibigyan ka ng oras
- May nag aalala sayo
- Alam mong may taong nandyan para sayo
- Alam mong mahalaga ka
- Nakakatanggap nang pagmamahal
Pero hindi ka lang dapat tanggap nang tanggap. Hindi yun yung ‘it’s better to give that to receive’. Hindi ganun. Dapat give and take relationship. Dapat marunong at alam mong pahalagahan yung mga ginagawa nya sayo, lalong lalo na yung taong nagmamahal sayo. Kasi kung hindi mo papahalagahan yung mga ginagawa nya. Baka mapagod at magsawa sya. May hanggang din kasi ang tao, nagsasawa yan lalo na kapag binabalewala lang. Sa huli pag nawala na, hahanap hanapin mo, magsisi ka pa kasi hindi mo sya tinrato ng tama.
Kaya dapat marunong kang mag appreciate nang tao at nang mga ginagawa nya para sayo. Dapat binibigyan mo din nang sapat na attensyon yung taong nagmamahal sayo. Kasi kung ano yung mga bagay na pinaparamdam at ginagawa nya sayo. Ito din yung gusto nyang maramdaman na galing naman sayo. Kung ano yung atensyon na binibigay nya sayo, ganun din yung atensyon na gusto nyang matatanggap galing sayo. Kung gaano ka nya kamahal, ganun din ang gusto nyang maramdaman na pagmamahal mula sayo.
Kaya kung ayaw mong mawala ang isang taong mahalaga sayo, dapat marunong kang pahalagahan ito nang tama. Kasi maswerte ka, dahil may nagmamahal sayo.
(Source: feelingeramuchlang, via feelingeramuchlang)

06.14.12 @ 11:55
37 notes