Posts tagged "lalake"

: Yung lalaking ...

feelingeramuchlang:

  • Yung lalaking may isang salita.
  • Yung lalaking vocal.
  • Yung lalaking mayaman sa effort.
  • Yung lalaking may sense of humor.
  • Yung lalaking hindi magsasawang suyuin ka.
  • Yung lalaking lalambingin ka kahit na nagsusungit ka.
  • Yung lalaking ite-text ka kahit wala kang load.
  • Yung lalaking sweet at caring sa text pati na din sa personal.
  • Yung lalaking makulit pero marunong pa din magseryoso.
  • Yung lalaking protective. (yung sakto lang)
  • Yung lalaking may pakialam sa feelings mo.
  • Yung lalaking may respeto.
  • Yung lalaking iintindihin ka.
  • Yung lalaking sa sasamahan ka.
  • Yung lalaking loyal at faithful
  • Yung lalaking hindi ka kayang tiisin.
  • Yung lalaking mamahalin ka ng dapat
  • Yung lalaking tanggap ka sa kung ano ka man.

Meron pa bang lalaking ganyan? o baka masyado na silang extinct? Demanding ba? Tingin ko nga. Ganun naman talaga ang babae, nangangarap makatagpo ng lalaking tanggap sila. Yung lalaking kayang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga sa kanya at kung gaano ka nya kamahal. Yun lang naman ang hinihiling ng bawat babae di ba? Kailan kaya ako makakahanap ng ganung lalaki?

(via eysiielovesyou)

Kung paano mag’effort ang isang seryosong lalake.

Hindi naman talaga pakipot ang mga babae tinitignan lang nila kung pano mag’effort ang isang seryoso at matinong lalaki. Tinitignan nila kung gano ka kaseryoso sa kanya kung hanggang saan lang ba ang kaya mo, kung susuko ka ba agad para sa kanya o ipagpapatuloy mo kasi nga mahal mo sya.

Kung porket ba nahirapan ka sa umpisa ay susuko ka na agad. Kung puro salita ka lang pero kulang naman sa gawa. Minsan kasi sinusubukan ka lang ng mga babae. Minsan kasi tinitignan nila bawat ginagawa mo, kung meron man. Kung nakikita na nilang sa umpisa pa lang na pursigido at seryoso ka, bakit hindi di ba? Sa umpisa lang naman kasi talaga yan mahirap, pag nakuha mo na ang loob nya, pag nakuha mo na ang tiwala nya, everything else follows.

(Source: feelingeramuchlang, via feelingeramuchlang)

Hindi lahat nang lalake pare-pareho

  • Hindi lahat manloloko
  • Hindi lahat bolero
  • Hindi lahat babaero
  • Hindi lahat paasa
  • Hindi lahat pa-fall
  • Hindi lahat mang-iiwan
  • Hindi lahat malandi
  • Hindi lahat ay hindi nagseseryoso
  • Hindi lahat makitid ang utak
  • HINDI LAHAT NANG LALAKE KATULAD NANG NANAKIT SAYO.

Karamihan lang. Hindi porket nasaktan ka nang dahil sa isang lalake ay igegeneralize mo na lahat nang lalake ganun. Nasaktan ka, mabibitter ka at pwedeng maging manhater ka pa pero panandalian lang yan. Syempre masakit eh, syempre pag na bitter ka madadamay na ang lahat lahat. Yung tipong sinumpa mo na lahat nang tao, idinamay mo pa kahit walang kasalanan. Naiintindihan naman natin yung mga taong  nasa ganyang kalagayan.

Pero buksan mo yung mata mo sa posibilidad na hindi lahat nang lalake pare-pareho. Nagkataon lang na mali yung napunta sayo, mali yung napili mo sa dami dami ba naman na lalaki sa mundo hindi naman lahat sila nakarelasyon mo na o na’encounter mo silang lahat.Wag mo silang lahatin. Wag mong idamay yung iba. 

Buksan mo yang utak mo, palawakin mo yung pag iisip mo. Halos lahat naman nararanasan yan, halos lahat nasaktan na. Pero kahit na ganun, wag kang mapagod sa paghihintay. Dadadating din yung lalaking para sayo, hindi mo kailangang magmadali kasi baka mali lang yung mapunta sayo. Wag kang sumuko, masyado ng maging bitter at masyadong maging negga sa mga lalake. 

Kasi diba may mga taong masaya sa piling nang mahal nila. Mga relasyong  Meron paring mga lalake na marunong nagmamahal nang totoo. May mga lalaki pa din na worth it mahalin nang sobra-sobra. Mga lalakeng worth it sa pag mamahal mo. Meron dyang tamang lalaki para sayo.

(Source: feelingeramuchlang, via feelingeramuchlang)

Yung lalaking marunong magpacute

Yung natural na cute, yung hindi pilit. :”>

Minsan mas ayos na yung medyo suplado.

  • kesa naman sa  lalakeng pa Mr. Friendship sa mga babae.
  • kesa naman sa mga lalaking puro pakikipag PBB TEENS .
  • kesa naman sa over sa ka friendly-han

Yung lalaking suplado. Yung supladong kahit may chance sya sa mga babae o kahit yung babae na yung nalapit sa kanya hindi pa din nya agad agad ito papatulan. Yung marunong mang dedma ng babaeng papansin. Hindi yung lahat nang lumapit ay i-eentertain.

Hindi laging positive ang pagiging friendly lalo na kung sobra-sobra naman. Minsan kasi may hindi ito nadudulot na maganda. Mag naman yung masyado.

(Source: feelingeramuchlang)

Hindi lahat nang lalake pare-pareho

  • Hindi lahat manloloko
  • Hindi lahat bolero
  • Hindi lahat babaero
  • Hindi lahat paasa
  • Hindi lahat pa-fall
  • Hindi lahat mang-iiwan
  • Hindi lahat malandi
  • Hindi lahat ay hindi nagseseryoso
  • Hindi lahat makitid ang utak
  • HINDI LAHAT NANG LALAKE KATULAD NANG NANAKIT SAYO.

Karamihan lang. Hindi porket nasaktan ka nang dahil sa isang lalake ay igegeneralize mo na lahat nang lalake ganun. Nasaktan ka, mabibitter ka at pwedeng maging manhater ka pa pero panandalian lang yan. Syempre masakit eh, syempre pag na bitter ka madadamay na ang lahat lahat. Yung tipong sinumpa mo na lahat nang tao, idinamay mo pa kahit walang kasalanan. Naiintindihan naman natin yung mga taong  nasa ganyang kalagayan.

Pero buksan mo yung mata mo sa posibilidad na hindi lahat nang lalake pare-pareho. Nagkataon lang na mali yung napunta sayo, mali yung napili mo sa dami dami ba naman na lalaki sa mundo hindi naman lahat sila nakarelasyon mo na o na’encounter mo silang lahat.Wag mo silang lahatin. Wag mong idamay yung iba. 

Buksan mo yang utak mo, palawakin mo yung pag iisip mo. Halos lahat naman nararanasan yan, halos lahat nasaktan na. Pero kahit na ganun, wag kang mapagod sa paghihintay. Dadadating din yung lalaking para sayo, hindi mo kailangang magmadali kasi baka mali lang yung mapunta sayo. Wag kang sumuko, masyado ng maging bitter at masyadong maging negga sa mga lalake. 

Kasi diba may mga taong masaya sa piling nang mahal nila. Mga relasyong  Meron paring mga lalake na marunong nagmamahal nang totoo. May mga lalaki pa din na worth it mahalin nang sobra-sobra. Mga lalakeng worth it sa pag mamahal mo. Meron dyang tamang lalaki para sayo.

(Source: feelingeramuchlang)

Ang Ideal Guy ko.

Appearance wise:

  • Yung maganda yung mata, cute ngumiti
  • Matangos ang ilong,
  • Kissable lips, i mean yung mapupulang labi
  • Dimples
  • Maayos sa buhok
  • Malinis sa katawan, laging malinis tignan
  • Mabango, kahit pinagpapawisan mabango pa din.
  • Mas matangkad sakin.
  • May ABS .jk.

Personality wise:

  • Fun personality.
  • God fearing, Gentleman.
  • Marunong rumespeto.
  • Makulit pero hindi yung nakakainis
  • Loyal, Honest, maaalalahanin,
  • Maalaga, may iniative, SWEET <3
  • May sense of humor. Automatically so much attractive when they’re funny
  • Inclined with music. Marunong kumanta, can play any musical instrument. Marunong sumayaw. Hindi naman kailangan lahat, kahit isa lang dyan.
  • Yung matino, responsable, Understanding
  • Hindi pinapabayaan ang pag aaral
  • Mala Daniel Padilla, mukhang maangas pero sweet at caring. Expressive, and vocal sa feelings nya. Pinagmamalaki nya na ikaw yung gusto nya.
  • Some kind of bad boy image

Ang taong ideal para satin. Gusto ko ganto, gusto ganyan. Sana ganun sya, sana katulad ni ano. Yung mga katangian na gusto natin na dapat meron sya. Yung para satin, mala-perfect na. Nasa kanya na lahat ng gusto mo, ginagawa nya yung mga bagay na nagpapasaya. Yun pa yung mahirap na mahanap kasi  di ba nga hindi lahat ng inaasam mo nakukuha mo, at walang perpekto. Hindi kung ano yng gusto mo mapupunta na agad sayo.

Pwedeng yung taong magugustuhan baliktad na baliktad sa taong pinapangarap mo. Pwedeng you’ll fall  in love with the person, you least expected. Kasi hindi mo hawak ang mga mangyayari. Hindi mo masasabihin ang puso mo kung kanino sya pwede at hindi pwedeng tumibok. 

  • Kahit hindi nya yung taong pinapangarap mo,
  • kahit sya pa yung taong pinaka ayaw mo,
  • taong pinaka kinaiinisan mo,
  • ginagawa man nya yung mga bagay na ayaw mo.
  • hindi man nya magawa yung gusto mo

Pag mahal mo na. Wala nang pero pero. Wala na, tinaman ka na. Makakalimutan mo na yung mga sinasabing mong requirements na dapat meron sya. Ang pinaka importante naman talaga ay yung mahal ka at mahal mo.

Hindi mo magagawang pagbaguhin sya at gawin yung mga bagay na gusto mo. Dahil hindi sya yun. Mamahalin mo sya kung ano sya kahit wala man sa kanya yung ibang katangian na gusto mo isang lalake. May hindi ka man gustong ugali sa kanya, hindi ito magiging dahilan para ayawan mo sya. Dahil kung tunay na mahal mo, Tatanggapin mo lahat ng mali at tama sa kanya.

May ideal guy ka pero one point or another nagmahal/magmamahal ka ng taong hindi naman talaga sya ung ideal guy mo.

(Source: feelingeramuchlang)

Yung lalaking willing na magpa-picture kasi kasama ka.
Yung walang hiya hiya. Ang cute di ba? Yung todo ngiti kayo sa camera, tapos mag popose ng silly faces at mga wacky na pose. Smile kung smile, wacky kung wacky. Mahilig syang magpicture lalo nat kasama ka, yung kayong dalawa. Yung gusto nyang madami kayong mga memories na magagawa. Kasi di ba, ang babae naman talaga ang mahilig magtake ng pictures. Ang saya lang pag ganun din yung lalake, lalo na&#8217;t dahil sayo. Pinapakita nyo yung mga malalaking ngiti sa labi nyo, tapos ang saya saya pang tignan.
  • Yung lalaking willing na magpa-picture kasi kasama ka.

Yung walang hiya hiya. Ang cute di ba? Yung todo ngiti kayo sa camera, tapos mag popose ng silly faces at mga wacky na pose. Smile kung smile, wacky kung wacky. Mahilig syang magpicture lalo nat kasama ka, yung kayong dalawa. Yung gusto nyang madami kayong mga memories na magagawa. Kasi di ba, ang babae naman talaga ang mahilig magtake ng pictures. Ang saya lang pag ganun din yung lalake, lalo na’t dahil sayo. Pinapakita nyo yung mga malalaking ngiti sa labi nyo, tapos ang saya saya pang tignan.

(Source: feelingeramuchlang)