Posts tagged "personal"

Tinatamad na talaga akong mag tumblr, hindi katulad ng dati. Pero Kahit tinatamad na naman talaga akong magtumblr. Gusto ko pa din mag post kahit papaano. Gusto kong gumalaw pa din yung blog ko. Ayoko naman mastuck na lang sya.  Sayang naman kasi kung hahayaan ko na lang. Kaya from time to time magpopost ako ng picture, gagawa ng post at magrereblog. Para naman maging active ang blog ko kahit papaano.

Nakakatamad na kasi~ may iba pa akong bagay na pwedeng gawin.

A Werewolf Boy is a 2012 South Korean fantasy romance film in which a beautiful teenage girl (Park Bo-young) is sent to a country house for her health, where she befriends and attempts to civilize a feral boy (Song Joong-ki) she discovers on the grounds — but the beast inside him is constantly waiting to burst out.

A must watched movie.  I SWEAR. <3 Ang ganda talaga. Isa sa all time favorite movie ko na to. Hindi ito mala twilight. Iba ito. XD Ang ganda ng story. Ang galing ng mga leads. Ang ganda ganda ni Park Bo young. Ang galing ni Song Joong Ki. Kahit kokonti lang yung lines nya, Kakaibang role, naportray nya ng maganda. Bagay na bagay sa kanya yung role. Kung  katulad ni joong ki ang mga werewolf, gusto ko na din atang mag alaga. haha Basta Hindi ko alam kung paano ko ieexplain masasabi ko lang talaga ay maganda talaga. Yung madadala ka talaga, maiiyak. Nakakadurog ng puso. haha chot. Basta napaka gandang movie. Namimiss ko tuloy mapanuod si song joong ki. hay.

Cheol-Su ~

Ang sarap sa feeling na kampante na.

Ang sarap sa feeling na kampante na. Wala na yung kaba Makakahinga na ng maluwag. Thank you talaga lord. Nalampasan ko yung 2nd year na walang bagsak na subjects. Kahit sinabi na sakin nung kaibigan ko na nakita na daw nya yung grades namin, na wala daw akong bagsak. Hindi pa din ako ganun maniwala, hanggat hindi ako yung mismo nakakaita. Sobrang kaba ko kasi talaga. Alam ko kasing may possibility na bumagsak ako sa integral, nanganganib. Pero buti na lang. Ngayon na kita na ng mga mata ko mismo.  I’m so blessed pa rin. May mataas pa nga ang integral ko kesa sa physics. hahaha. Ayoko kayang mag summer and init init. Tapos lagot din ako pag may bagsak. haha Buti na lang talaga wala. SOOOOOOOO HAPPY. Kampante na talaga. Wala nang iisipin. Ieenjoy ko na lang ang summer vacation. WOOOO!

Gonna make this summer a productive one. Mag aaral (ulit) mag gitara. Bawal ang tamadin. :-)

“gusto mo ng bagong cellphone hindi ka naman nagloload.” - Mama

HAHAHA. may bagong phone nga. Wala pa rin na load. Sabi ko mag naibili na ako magloload na ako. Ngayong meron na, ayun tinatamad pa din akong magload.. Wala din naman makakatext. Yaan na lang. Sayang pera. Baka pagkailangang kailangan na talaga, tsaka ako magloload. Mas gusto ko pang maglaro na lang ng maglaro.

Valentines day ko. Ayun nasa sidelines. HAHAHA Tumulong kami dun sa mga tropa namin  para dun sa effort nila dun sa kanilang nililigawan, sa kanilang mga loves. Syempre supportive na mga tropa. May exchange chocolate din kami ng tropa. hahaha Memasabi lang na may natanggap nga chocolate. At may date kami, syempre ng TROPA ulit. HAHAHA Yung mga single sa tropa kumain kami sa greenwich, binusog talaga namin ang aming mga sarili.

Pagkatapos ay nanuod ng sine. A moment in time nina Julia at Coco. Maganda naman. Ayos din.  Ang pogi lang ni coco. BAAAABY! Nakakilig nga naman si Coco. Makapaghanap nga ng baby. Shems ! At yun na ang Valentines Day ko. HAHAHA 

Hell week is done, move on na.

Sa wakas tapos na din ang midterms. Siguradong nanganganib na naman. Hindi na nanging kampante kada matatapos ang exam. Nakakainis yung pag nalaman mo yung mali mo, andun na oh. Isang maliit na mali lang. Malapit na, kaso wala. Ang mali ay mali pa din. Yung alam mo na yung gagawin at naisip mo na kaso hindi mo naman ginawa. Shunga nga lang. WAALAA! Nakakastress. Move on na lang. Ayaw ko nang isipin. Kailangan kong ipahinga ang utak ko, masyado ko na naman na nagamit. Siguradong ilang linggo lang semis na. Tapos finals. Malapit na, mabilis na lang to bakasyon na. Kaya pa to. Kailangan talagang mag ayos.

(Source: feelingeramuchlang)

We’ll be having a long weekend starting tomorrow.

  • Wednesday - Fiesta (meron na kami pamimiestahan)
  • Thursday - Pagod daw ang mga namiesta at pinag fiestahan kaya pahinga.
  • Friday - Wala talaga kaming klase.
  • Saturday - Walang yung prof namin sa NSTP. (May pupuntahan na debut, overnight yun)
  • Sunday -

YAY! Ang saya. Makakapag liwaliw naman. Kaso after ng long weekend na yun, Midterms ang sasalubong sa amin. Next week ang start ng midterms namin. Pagkatapos ng saya, problema. Ang KJ lang. HAHA chos.

(Source: feelingeramuchlang)

Unknown number

Page 13 of 365

May tumawag sa cellphone ko kaninang madaling araw. Around 3am yun. Ang lakas pa naman nung tunog nung cellphone ko pag may natawag. Todo pa naman yun, kaya nagising talaga ako. Unknown number, hindi ko alam kung sino. Nakatatlong beses na tawag. Unang tawag, hindi ko sinagot. Hinayaan ko lang. Pangalawang tawag, sinagot ko na. Nag nakailang hello ako pero walang sumasagot sa kabilang linya. Tapos biglang binaba. Pangatlong tawag, sinagot ko ulit pero this time hindi ako nagsalita, sya yung nag hello. Parang boses lalaki, para may narinig ko nga sabi nya ay ‘hello john’. Parang ganun. Ewan ko lang kung tama yung pagkakarinig. hindi pa din ako nagsalita. Hanggang sa binaba na nya.

Ewan ko kung wrong number lang o nagttrip. Pagkatapos nun hindi na ulit tumawag. hanggang sa pagkagising ko kaninang umaga. Nakakainis din yun. Ang shunga. Tatawag na lang madaling araw pa. Istorbo sa pagtulog ko. Letche yun ah. Ilan na din yung number na natawag o nag tetext sa cellphone ko na hindi ko kilala. pero first time yun na may tumawag na madaling araw. Minsan may natawag, hindi ko nasasagot kasi hindi ko rinig yung phone ko o wala sa akin. O kaya may mag tetext, gusto ko man alamin kung sino sya. Kaso wala akong load. HAHAHA Hinahayaan ko lang.

Page 12 of 365

Sabado, NSTP namin ngayon. Pumunta kami dun sa Siko na ang layo-layo. Tapos nakasakay lang kami sa jeep, sabay umulan pa at malakas ang hangin. Ang lamig lamig tuloy. Ang ginawa talaga namin sa siko ay nagturo doon sa mga bata dun. Tinuruan namin sila gamit ang laptop. Pero wala naman ako talagang dala na laptop kaya naki share na lang. Tinuruan namin sila kung paano gumamit ng ms word, powerpoint at paint. Ang dami din nung bata dun, kaya doon sa isang taong may laptop. Siguro limang bata ang dapat nyang maturuan. Nakakatuwa naman din naman magturo. Kahit mga simpleng bagay lang.

the motive: Yung mga pasimpleng gawain. Kunwari pupuntahan lang namin yung kaibigan namin para kamustahin o samahan. Kunwari nag aalala lang. Yun pala may hidden agenda na. Gagawa pa ng mga dahilan at iba’t ibang palusot. Gawain namin nya eh. Para naman hindi makalamang ang isa. Kung nasaan ang isa nandun din dapat kami. One for all, all for one ang peg? Hindi din? In some cases hindi. HAHAHAHA So ayun, ayos naman ang aming naging naging agenda. Happy. :)

(Source: feelingeramuchlang)