Posts tagged "rants"
  • "Make a mental note to self: You're special! Don’t think for a single second that this means there’s something wrong with you. That’s simply NOT true." —

Tinatamad na talaga akong mag tumblr, hindi katulad ng dati. Pero Kahit tinatamad na naman talaga akong magtumblr. Gusto ko pa din mag post kahit papaano. Gusto kong gumalaw pa din yung blog ko. Ayoko naman mastuck na lang sya.  Sayang naman kasi kung hahayaan ko na lang. Kaya from time to time magpopost ako ng picture, gagawa ng post at magrereblog. Para naman maging active ang blog ko kahit papaano.

Nakakatamad na kasi~ may iba pa akong bagay na pwedeng gawin.

Isa siguro sa pinakamahirap na gawin ‘yung paniwalain mo ‘yung sarili mo sa isang bagay na alam mong kahit bali-baligtarin mo ang mundo, alam mong hindi ito totoo. Yung paniwalain mo yung mga tao sa paligid sa isang bagay na kahit ikaw mismo hirap na paniwalaan. Pati sarili mo niloloko mo na.

(Source: feelingeramuchlang)

“Mahal kita. Mahal mo ako. Hindi simpleng away lang ang makasisira nun.”

Wag nyong hayaan na masira ang relasyon nyo ng dahil sa biglaang away lang. Hanggat kayang ayusin, ayusin nyo ang kung ano man ang inyong hindi pag kakaintindihan. Mag-away kayo ngayon at pag pareho nang malamig ang ulo natin, saka nyo pag-usapan at ayusin lahat. Walang hindi naaayos sa isang mabuting usapan.

Sa isang relasyon normal lang ang mag away. May mga bagay kayong hindi pagkakasunduan, pero ano naman ngayon di ba? Wala naman dalawang taong magkatulad. Ang importante sa kabila ng pagkakaiba nyo, nagawa nyong intindihin ang pakisamahan ang isa’t isa para sa isang matibay at magandang relasyon. May mga dadating talagang mga pagsubok, nasa sa inyo lang kung paano nyo ito haharapin at lalampasan ng mga kasama. Kung pag papatalo ba kayo sa pagsubok na ito o lalabanan nyo. Wag nyong hayaan na may pagsisihan kayo sa huli dahil nagpatalo kayo.

(Source: feelingeramuchlang)

"Minsan mas mabuting sabihin mo yung totoo kahit na alam mo pang makakasakit ka ng iba. Kasi pag pinatagal mo pa yan at nalaman nya, doble pa yung sakit na mararamdaman nung taong yun."

(Source: feelingeramuchlang)